Lahat ng bata may pangarap...
Yung iba pingangarap maging doctor para makatulog sa kapwa,
yung iba pinangarap maging Nurse para makatulong sa kapwa,
Yung iba pinangarap maging seaman para makatulong sa kapwa,
at meron namang iba na talagang naubusan ng sasabihin kaya ang pinangarap nalang nila ay maging KAPWA para masaya nga naman, maraming biyaya. :)
Pero ako, isa lang pinangarap ko ang maging isang PULIS, inspired kasi ako kay Mega Man, ewan ko ba basta pangarap ko maging pulis kahit nung nasa Preparatory palang ako hanggang sa maging ganap na Dalaga na ako nung High School, Siguro dahil narin ayokong inaapi ako at gusto kong maprotektahan ang pamilya ko.
Minsan, pinagkakamalan na akong tomboy nun dahil sa pangarap kong maging pulis, pero syempre nagbabago din ang pangarap mo minsan, Sinubukan ko rin ang maging Businesswoman nung bata ako dahil sa pangarap ko din magkaroon ng sariling income, nagkaroon ako ng tinda-tindahan, ang una kong tinda noon ay paperdoll sumunod ay yung mangga na my bagoong hanggang sa lumago na ang negosyo ko at nagkaroon ako ng sari-sari store kaso dahil ayoko humiwalay sa aking kaperahan lagi kong dinadala ang wallet ko kahit saan ako magpunta kahit pa naglalaro ako sa labas ng bahay, dahil sa kadamutan kong iyon nawala ang pera ko, kinuha sya ng isa kong kalaro, at dun na nga nawala ang pagnenegosyo ko,ewan ko ba kapag naalala ko ang mga sandaling iyon parang gusto kong bigyan ng magandang treatment ang kumuha ng wallet ko parang gusto ko siyang tusukan ng karayom sa lahat ng anit niya. hehe.
Pinangarap ko ring hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil sa gusto ko ng makatulong sa magulang ko kaya sinarado ko na angisip ko at iniisip ko na lang na pagkatapos ng highschool ay trabaho na kaagad. Hindi nagtagal ang pangarap kong ito dahil na rin sa mga payo ng mga magulang ko at saka laging binibida ng ina ko ang mga pinsan ko na lahat sila nakatapos ng pag-aaral, merong Judge, Nurse, Midwife, Office worker, Teacher at kung anu-anu pa at dahil dun nanliit ako ang pangit naman lahat sila may kotse na tapos ako namumulot lang ng makakain sa kalye kaya nagpursige naman ako.
Halos lahat pinangarap ko na noon maliban lang sa isa, ang maging isang Guro. hind naman sa hinahamak ko ang mga mga guro, sa tingin ko napakahirap kasi ng ginagawa nila at saka hindi ko kakayanin kaya binalewala ko yung Propesyon na yun hanggang sa nagtapos ako ng high school at nakapili ng school na mapapasukan, sa Pinasukan kong school nandun ang favorite kong kurso ang I.T. (Information Technology) dahil mahilig na ako sa computer noon kaya naman yun ang natipuhan ko pero bigla kong naisip kailangan pala may laptop ka o desktop para makasabay ka sa mga klasmeyt mo, kaya naman agad agad nagpalit ako ng gusto, naging sunod kong gusto ang B.A. (Business Administration) eh wala naman akong background dun kaya bahala na.
Maya maya nakita ko ang dalawa kong klasmeyt nung highschool tinanong ko sila kung anong kurso nila, sabi nila education, dahil sa close ko na sila ng high school masaya siguro kung maging klasmeyt ko sila kaya napa-Education course tuloy ako siguro mga one wek bago ko naabsorb na education student na pala ako, ang dating propesyon na pinaka-aayawan ko ay naging kurso ko na. Akala ko hindi ko kakayanin pero habang tumatagal naisip ko na hindi pala ordinaryong kurso ang meron ako ito pala ay napakahiwaga, hindi pala ito isang propesyon o trabaho kundi isang responsibilidad na panghahawakan mo habang nabubuhay ka. Nakatapos ako sa kursong ito at kahit ako nagulat sa mga nangyari pero hindi mo rin masasabi, minsan naglalaro rin ang kapalaran kung ano ang gusto mo hindi binibigay sayo pero kung ano ang ikaliligaya mo iyon ang ipagkakaloob sayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
maraming salamat!:)-kiteh