Bakit nga ba masarap ang bawal?
Hewan ko ba kung ano pa ang pinagbabawal yun pa yung madalas nating gawin paano ba naman kasi kung ano pa yung bawal ayun pa yung nakaka satisfied sa atin katulad nalang ng pag-inom ng alak, Ang Alak ay kilala na ugat ng lahat ng kaguluhan, dahil dito nagiging matapang ang tao kaya kung sino ang makita ng taong nakainom nito ay talagang inaaway. Ano ba talaga ang kasalanan ng alak sa tao eh nakakatunganga lang naman yan sa isang tabi at nagaantay ng isang tao na iinom sa kanya pero ang madalas na umiinom nito ay ang taong may problema tapos kapag nalasing isisi sa alak lahat ng nangyari kaya nga nagkaroon ng paunawa ang lahat ng commercial nito "DRINK MODERATELY" tama nga naman uminom ng tama hindi yung titigil kana kung may tama kana.
Isa pa sa ipinagbabawal ay yung paninigarilyo, sa totoo lang hindi ako naninigarilyo kaya hindi ko alam ang benepisyo nito sa katawan pero nung bata ako sa tingin ko masustansya ang sigarilyo kasi sabi nila galing daw ito sa tabako na kilala na isang uri ng halaman eh diba kapag berdeng halaman ay masustansya katulad nalang ng talbos ng kamote, malunggay at ang saluyot kaya inisip ko na masustansya ang sigarilyo. Pero nagbago ang paningin ko dun kasi kahit kelan hindi pa ako nakarinig sa balita na may nabuhay ng matagal dahil sa sigarilyo. Bakit nga ba naninigarilyo ang tao? dahil sa matinding stress, dahil nakakarefresh, o dahil gusto lang nilang tawagin silang cool men? eh ikaw ba naman bumuga ng maraming usok hindi ka pa ba cool nun nagmumukha kang tambucho.
Pinagbabawal lalo ang mangalunya, Bukod sa nakakasira ka na ng ibang buhay magkakasakit ka pa pero bakit nga ba nauso ang salitang kabit? dahil sa mga taong makakati o dahil sa mga taong madaling matukso? dito lumalabas ang salitang pagpipigil kasi kung nagpipigil ka sa isang bagay na gusto mo kahit anong mangyari darating ang araw gagawin at gagawin mo parin ito. Nangyayari ito kapag nawawalan ng koneksyon ang mag-irog o nawawala ang init kapag pumasok na.. ang gabi kaya nakakapaningit naman si kabit pero anu ba ang mangyayari sa huli? babalik parin sila sa dati pero may naiwan ng "kadiri effect" na mararamdaman sa bawat isa dahil sa bawal na nagawa nila.
At ang pinakahuling bawal na madalas gawin ay ang tumawid sa maling tawiran hindi na tuloy alam ng MMDA kung ano pwede nilang ipaskil sa daan para sumunod ang lahat, meron na silang "BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY" at ni-level-up pa "BAWAL TUMAWID, MAY NAMATAY NA DITO" hehe natatawa ako parang kinikilabutan ako kapag nakakakita ako ng ganoon kasi feeling ko may pagala galang multo sa paligid ko. Siguro hindi masyadong marahas yung sign ng MMDA dapat baguhin nila gawin nilang "LIBRE LIBRENG TUMAWID DITO,GO LANG" tignan natin kung may tatawid pa siguro wala na kasi minsan baliktad talaga ang isip ng tao msyadong matalino mahilig sa LOGIC.
Hindi kaya nananadya lang talaga ang tao kasi lahat talaga ng bawal gustong subukan o kaya sinusubukan lang nila ang kanilang sarili kung hanggang saan sila tatagal? Di ba ang mga nagbabawal lang naman sa mga bata ay ang mga matatanda dahil ba naranasan nadin nila ang ganoong kapusukan noong bata pa sila kaya ayaw nilang iparanas sa katulad nating mga bata? selfish naman sila kung ganoon, dapat maranasan din natin ang naranasan nila di ba? pero dahil sa naranasan na nga nila makinig nalang tayo kasi kung baga pabalik na sila papunta palang tayo. Kailangan nating makinig para narin sa ikabubuti natin pero maayos naman sila kahit naranasan nila ang mga bawal noh?
Kung anu pa man ang mangyari nasa sa iyo parin iyan kung sa tingin mo mabubuhay ka sa paglaklak ng alak araw-araw sige lang walang pipigil sa iyo dahil ikaw rin naman ang may alam ng limitasyon mo.
"LIBRE LIBRENG TUMAWID DITO,GO LANG"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
maraming salamat!:)-kiteh