Mga Pahina

Lunes, Oktubre 3, 2011

Anu Ba Ang Paghihintay?


"Waiting is painful.
Forgetting is painful.
But not knowing which to do is the worse kind of suffering."

-Paulo Coelho


__________________________________________________________________
Masarap magmahal pero syempre oras na natamaan ka na ng sobra minsan hindi mo na alam ang ginagawa mo, nakakagawa ka ng mga bagay na talagang masasabi nating ikasisira mo o ikasisira ng ulo mo.

Isa sa pinakamatinding pagsubok sa pag-ibig eh yung oras na kailangan mong magsakripisyo at kailangan kalimutan mo ang sarili mong kaligayahan para sa ikakaayos ng bawat sitwasyon katulad nalang ng paghihintay ng matagal, nakakakalungkot, iisipin mo palang na maghihintay ka ng matagal ay talagang malulungkot ka na mas lalo na kung yung ang hinihintay mo ay wala pang  kasiguraduhan na kung SIYA na ba talaga.

Kung naghihintay ka parin para sa taong mahal mo ay huwag kang mag-alala hindi ka nag-iisa marami kang kasama,Halimbawa nalang yung mga composer ng mga sikat na kanta, siguro naging team song mo narin ang isa sa mga ito minsan sa isang araw ng buhay mo:



MAPALUMA MAN
"Nandito ako umiibig sayo kahit na nagdurugo ang puso kung sakaling iwanan ka niya huwag kang mag-alala may nagmamahal sayo nandito ako"
-Nandito ako



MAPABAGO MAN
"Sabihin mo na kung babalik ka pa, para hindi na maghintay."
-Sabihin mo na by Zel



AT MA PA IBANG LENGGUWAHE MAN
"So, baby, I will wait for you.
'Cause I don't know what else I can do.
Don't tell me I ran out of time.
If it takes the rest of my life"
-wait for you by elliot yamin  



Talagang makakarelate sa topic na Hintayan, pero kung bibigyan ka ng sitwasyon, halimbawa hihintayin mo siya sa isang lugar at papapiliin ka sa kung saan ka maghihintay "sa lugar na tagtuyo o sa lugar na tag-ulan?"

Merong sumagot sa tagtuyot daw kasi ayaw niya sa tag-ulan baka bumaha nga naman maghihintay kana rin lang malulunod kapa ang saklap naman non, ako siguro maghihintay dun sa lugar na alam kong tatagal ako, dun ako sa tag-ulan, bakit? kasi unang una sa lahat, hindi ko kayang mabuhay ng walang tubig pangalawa kaya ko magtiis sa lamig basta sa taong hinihintay ko at pangatlo mas maganda kasing tignan kung yung taong hinihintay mo ay nakapayong na papalapit sa iyo tapos bigla nyang tatanggalin at yayakapin ka niya tapos dalawa na kayong basang basa ng ulan habang dinadama ang init ng bawat isa kung baga mahilig ako sa FAIRYTALE.

Pero anu nga ba ang paghihintay? masyadong masakit na salita sa isang taong iniwan kung baga iniwan ka sa sitwasyon na hindi mo alam kung papano makakawala o kung kailan matatapos kaya nga nagtataka ako dun sa mga taong umaalis kung bakit mo paghihintayin ang isang tao na mahal mo kaya bakit mo iiwan di ba?

 Ano pa man, masasabi nating hindi lahat ng dumadating na sitwasyon ay magugustuhan mo minsan kailangan mo ring mabuhay ng may sakit na nararamdaman para mas lalong maging malakas sa buhay. May mga taong susubok sa iyo, ang iba kaya kang sirain, ang iba kaya kang iangat pero sa Huli nasa pagdedesisyon mo parin yan kung maghihintay ka sa wala o iiwan ang pangako ng taong pinakamamahal mo. :)





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

maraming salamat!:)-kiteh