Ang tao nabuhay yan nang puro reklamo kung ano ang wala sa kanya iyon at iyon parin ang hinihiling katulad nalang kapag mahirap ka siyempre ano ba ang wala sa iyo, pera, kaya iyon ang hihingiin mo. Naisip ko lang ano ba talaga ang mga bagay na hinihingi sa Kataas-taasan? i-phone? Montero sports? Condominium penthouse? Di ba mas masarap maghintay ng pagkakataon para bagay na ganito kesa ubusin natin ang panahon natin sa kakahingi?
May mga pagkakataon talaga na hindi ibibigay sa iyo ang gusto mo kahit pa buhay mo na ang ipinalit para sa bagay na iyon kung hindi naman talaga para sa iyo ay talagang hindi mo parin iyon makukuha. Magbigay tayo ng halimbawa katulad nalang ng inaasam asam mong pagpunta sa Disneyland ng Hongkong eh ang ang tatay mo ay below minimum ang sahod tapos nanay mo sa bahay lang at sampu kayong magkakapatid tapos pinipilit mo pa ang tatay mo na maglabas ng pera pambili ng ticket papuntang Hongkong, anu gusto mong gawin ng butihing ama mo? magnakaw for the sake of that kind of pleasure? sa bagay masarap pumunta ng Disneyland kaso kapag iisipin mo namang naghihirap ang pamilya mo sa Pilipinas habang sumasakay ka sa Rollercoaster ay hindi mo pa rin maeenjoy ang Gimik.
Kung may mga bagay na hindi binibigay sayo syempre may mga bagay din naman na hindi mo man hilingin ay talagang mapupunta at mapupunta sayo katulad nalang ng pagkakaroon ng ina at ama, napakasimpleng bagay di ba? pero hindi naman kayang lumaki ng isang sanggol mag-isa kung wala naman nag-alaga sa kanya kaya kung ang magulang mo ay lagi kang pinapagalitan dahil sa mga bagay na ikapapahamak mo dapat lang na matuwa ka kasi hindi naman sila masasaktan bandang huli kundi ikaw rin. Hindi ka rin ba nagugulat na ang lahat ng kailngan mo ay nasa sa iyo na katulad nalang ng sikat ng araw na nagtangtanggal ng galis mo, nandyan ang tubig para sa nanunuyot mong katawan at nandyan ang hangin na sa pagkakaalam ko ay minsay nabibili na rin pero habang libre pa lubusin na natin.
May mga bagay din ayaw mo man hingiin pero binibigay sayo katulad nalang ng pagkakaroon ng tigidig sa mukha, kapag teenager ka natural lang ito pero siyempre nasa panahon ng consciousness na rin kaya hindi tayo papayag na mukang pipitasan ng ubas ang mukha natin gagamit at gagamit din tayo ng pampatanggal eh habang tinatago lalong lumalabas nagmumukha nang nataniman ang mukha kaya halos isumpa na natin ang nilalang na nagpatupad ng TIGHYAWAT FOR ALL kahit wala naman siyang kasalanan sa pagtitiris mo ng tighyawat mo. Isa pa sa mga bagay na ayaw mo ng hingiin ay ang pagtira sa bahay ng manugang mo, sa totoo lang hindi ko pa alam ang mga bagay na ito pero kahit hindi niyo man sabihin nararamdaman kong ayaw niyo.:)
Whatever happens life must go on...kung hihiling karin lang siguraduhin mong tutulungan mo rin ang sarili mo dahil naniniwala ako na kung talagang ninais mo ang isang bagay kung para sa iyo o hindi basta ipinapakita mo naman na hindi mo sasayangin ay talagang mapapasaiyo pero syempre may mga bagay din na darating na mas maganda kesa sa inaasahan mo..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
maraming salamat!:)-kiteh