Paper doll - manika na hugis tao, gawa sa medyo matigas na papel at madalas na pinapalitan ng damit na kinakawit lang sa balikat nito. Kapag luma na ito kusa nang napupugot ang ulo dahil lumalambot din naman ang medyo matigas na papel pero pwede mo rin namang idikit sa pamamagitan ng "iskash teyp". Kapag nabasa naman ng tubig pwede mo ng itapon dahil madali lang naman ito mabili sa halagang piso lang kung may pera ka at nagtatrabaho ka na sa isang Luxury hotel pero kung nasa preparatory ka palang at medyo kuripot ang parents ay siguradong mapapatay mo ang makasira sa Paper Doll mo.
Bata palang ako mahilig na ako sa paper doll, Lahat ng bagong palabas na Cartoons sa Telebisyon ay lumalabas din sa paper doll. Nandyan ang paborito kong si Sailor Moon at ang buong Gang niya, Buong cast ng Pokemon, Disney Princess at kung anu-ano pa. Talagang tinutukan ko ang pagkolekta ng paper doll nung bata palang ako, nakalagay pa ito sa kanya kanyang supot para hindi magkahalo-halo ang damit. Dahil sa totoong Avid Fan ako ng Paper Doll at talagang sinasanto ko sya, nakaisip naman ang aking ina ng isang magandang teknik para maging masipag ako...
Sa tuwing umuuwi kasi si Mama galing palengke lagi nalang makalat ang bahay kaya naisipan nya na ipain lagi ang Paper Doll sakin, paano? ganito.. Dahil sa maliit palang ako noon at ang dulo ng kabinet ay hindi ko pa abot Doon naman nilalagay ni mama yung paper Doll na kailangan ko Tapos bigla nyang sasabihin "kailangan pag-uwi ko malinis ang bahay, kung hindi, hindi mo rin makukuha ang paper doll na nasa taas ng kabinet." wala akong choice nanakot na si Ina, kailangan gawin ang utos niya para makumpleto ko ang Favorite Sailormoon Characters ko, Lagi ko naman sya sinusunod kaya araw-araw may Paper Doll naman ako...
Ang sarap maging bata, kasi sa maliit na bagay natutuwa kana, sa konting bagay satisfied ka na at hindi ka na naghahanap pa ng mas higit pa, napakacentralized ng isip ng bata kung anu ang ginugusto niya at kung ano ang nakikita nya ayun ang sinusunod niya kaya nga kapag tinanong ko minsan ang bata ng:
"bata, maganda ba ako?"
at kapag sumagot siya ng
"hindi po."
hindi nga talaga marunong magsinungaling ang bata medyo Mapagbiro lang...:)
Ang sarap isipin na dumaan din pala tayo sa mga panahong kuntento na tayo sa isang laruang papel, nabubuhay din pala tayo sa isang araw kahit walang katext at kachat, pwede pala eh, kaso habang tumatagal natututo tayo syempre sino ba naman ang papayag na beinte Uno ka na tapos naglalaro ka pa ng Paper Doll sa Ofis dyahe naman diba, in short, kailangan din naman tayo makisabay sa daloy ng buhay para hindi naman tayo napag-iiwanan ng panahon at hindi naman tayo tawaging "isip-bata".
Hindi naman masama tumingin sa nakaraan, hindi mo rin naman makakalimutan yan kahit umpog mo ulo mo sa pader pabalik at balik pa rin sa ala-ala mo, Ang kailangan mo lang naman gawin ay kunin at tanggapin mo kasi nangyari na at hindi na mababago pa pwede mo pa yan gamitin para mas lalo kang maging malakas, ang pag-amin sa nakaraan ay nakabubuti, masama nga lang kung uulitin mo rin lang ang pagkakamali ay! napatunayan mo lang na wala kang natutunan sa paglaro mo ng paper doll, try mo na lang yung jackstone. :)
...
Sabado, Oktubre 1, 2011
Huwebes, Setyembre 29, 2011
"Live your life..."
"Live your life as it is your last."
Dati yan ang motto ko kaya naman nilubos ko ang pagiging bata, Batang walang pakialam basta gagawin ko ang gusto ko.
Year 2008, third year college na ako nung nagsimula ako nagtrabaho. Nagworking student ako sa isang sikat na food chain hulaan nyo basta hindi Jollibee..:)
Natuwa ako sa mga panahon na iyon kasi umaani na ako ng pera lahat ng gusto ko nabibili ko, pero kasabay ng pag-ani ko ng konting tagumpay ay nakalimutan ko na ang mga pangarap ko, ang mga mithiin ko kaya ako nagtrabaho.
Nagdaan ang mga araw hanggang sa naging buhay ko na ang pagtatrabaho, nakalimutan ko na ang pag-aaral. Madalas pumapasok ako ng Late pero never akong umabsent yun nga lang para lang akong nang-aasar ng Professor papasok ako kung kailan last five minutes na, o kung pumasok man ako ng maaga dun naman ako natutulog sa loob ng klasrum kaya madalas ako ang nagbabasa ng mga ginawang report ng mga klasmeyt ko. Nung mga panahon na yun walang laman ang isip ko ni wala na akong pakialam sa mga sasabihin ng iba basta ginagawa ko ang gusto ko palibhasa lahat ng kilos ko nung munting bata ako ay limitado kaya ng nabigyan ako ng pagkakataon nilubos ko naman ang lahat.
Nagpapalipat ako ng oras ng trabaho para lang makagimik, ang mga working student ay dapat pang-umaga lang pero dahil sa tigas ng ulo ko nagpapalipat ako ng gabi. Pagkatapos ng Duty diretso gimik na.. Masaya kapag marami kayo. Madalas 1:00am na kami nakakauwi at dahil Madaling araw na masarap kumain ng Goto, Masarap maglakad lakad, yung tipong pupunta kayo sa isang bahay na ilang milya ang layo tapos kapag nakita ay aalis din kayo agad, parang nageexercise lang 'yun nga lang madalas pinagkakamalan kaming mga adik. Lilibutin mo yung buong lugar tapos pipindot kayo ng doorbell sabay takbo (pero hindi ako kasali dun ah, nakikitingin lang.:)
Buong akala ko noon Gimik na ang buhay ko, pero nagkamali pala ako...
Isang araw sa paggising ko sa umaga, walang gimik, pero nandyan ang aking ina para ihanda ang tubig na maligamgam na pampaligo ko, Sa tanghali walang gimik pero nandyan ang pamilya ko para samahan ako sa pagkain ng tanghalian na alam kong matagal na naming hindi nagawa, Sa Hapon, wala paring gimik, Nandyan ang mga kapatid ko handang makipagbiruan sa akin, Sa kinagabihan ,wala na namang gimik pero nandyan si Papa para turuan ako sa mga bagay na hindi ko alam.
Marami pala akong hindi nagagawa, akala ko lubos na kaligayahan na ang nararanasan ko sa gimik, pero wala paring katumbas " ang ligaya na nabibigay ng pamilya. "
Muli, naalala ko kung bakit ako nagtatrabaho, yun ay dahil sa kanila...
Simula noon, inayos ko na ang lahat... Aral, bahay, at kung may duty man umuuwi na ako sa tamang oras.. Naging maayos ang lahat. Pogi na din ang mga grades ko na dati ay nakikipagtalo pa ako sa Professor kahit kasalanan ko naman ang pagbaba ng Grado ko.
Nabuhay ako dati na parang walang bukas pero ngayon binago ko na ang motto ko.
Martes, Setyembre 27, 2011
Kwento alay kay "Ondoy"
September 25, 2009. akala ng lahat simpleng bagyo lang katulad ng mga bagyong nagdaan. ngunit hindi pala..
September 26, 2009, Inumaga na hindi parin tumigil ang ulan.. nagtetext pa 'ko habang ang lahat abalang abala sa pagsako ng kanilang mga gamit dahil nandyan na nga ang baha. Mabilis ang pagbulusok ng tubig. Una ng nilikas ang dalawa kong nakababatang kapatid, Ako nama'y naiwan sa bahay kasama ang aking mga magulang at ang may sakit kong kapatid maya-maya pumasok na rin sa loob ng bahay ang tubig, tubig galing sa poso negro ng aming Kubeta. Napakabilis ng tubig tila naghahanap ng mga taong matatangay nya.
Ilang saglit pa at nagdesisyon na kaming lumikas dala ang isang kaldero na may lamang tira-tirang kanin at ang aking Ama nama'y naiwan sa bahay. karga-karga ng aking Ina ang kapatid kong nanginginig na sa lamig. Sa aming paglabas, Nagulat ako sa nakita ko nagmistulang lawa ang aming Baranggay. Hirap na hirap ang aking ina sa pagkarga sa aking kpatid buti nalang my mga kapitbahay kami na nagmistulang "Rescue Team",maraming salamat at kinarga nila ang aking kapatid. Muli naglakad kami sa daan na abot bewang na ang tubig at kahit nakapaa hindi namin alintana ang mga piraso ng yero, basag na mga bagay at mga patay na hayop.
Malapit na kami sa Highway nang sinubok kami muli. Nahihirapan na kami dumaan dahil sa mabilis na pagbulusok ng tubig. Nahiwalay kami ni mama sa Rescue Team, hindi na kami makadaan sa mistulang Dagat na Highway, Buti nalang my mga taong lumapit sa amin at hinila kami. Tumuloy na kami sa Third floor ng isang commercial building na kung saan nandun din ang dalawa kong kapatid. Dahil sa ang isa kong kapatid ay nanginginig na sa lamig diniretso nila kami sa isang mainit na kwarto kasama ng mga MAYAYAMAN.. Inilagay nila kami malapit sa pintuan ng Comfort Room at sa mga oras na yun ay wala paring tubig at kuryente.
Panay ang labas pasok ng mga bata sa CR, kada bukas ng pinto mahahalimuyak mo ang Baho ng kanilang laman tiyan, awang awa ako sa amin. Ang iba ay nakahiga sa malambot na kama salo-salo sa pagkain na binigay lang din sa kanila Samantalng kami ni isang kurot ng Nilagang Itlog na kanilang kinakain hindi kami binigyan. Nanginginig na sa lamig ang aking Ina ganun din ang aking kapatid. Para kaming hayop na pinabayaan sa gilid. Buti nalang may nagbigay sa amin ng sabaw at yun ang isinama namin sa Tutong na dala ng aking Mama.
Ilang Saglit lumabas ako, kitang kita ko ang Maladagat na tanawin, mga taong stranded at mga tao sa bubong na kapag nahulog ay siguradong tatangayin ng malakas na agos ng tubig. Nagaalala ako sa aking ama, wala akong pakialam sa malakas na buhos ng ulan basta makita ko lang sya na ligtas. Ilang Saglit nakita ko nga siya nakatungtong sa bubong ng isa sa mga bahay. Tuwang tuwa ako dahil sa wakas kitang kita ko na buo parin kami.
Kinagabihan, Umalis na din kami sa third Floor Building na aming natuluyan. Inabot pala ng baha ang sala namin halata dahil sa putik na nasa sahig at dingding. Nung gabing yon doon ko lang naisip na napakabuti parin ng Diyos dahil hindi nya kami pinabayaan at hinding hindi nya kami iniwan.

Lunes, Setyembre 26, 2011
unlimited text to all networks = INSOMIA
Dati. ang hirap magkaroon ng load bukod sa nakalagay na ito sa isang card, 300 pesos pa ang minimum! totoong mayayaman lang talaga ang nakakaafford. kahit pa mahilig ka sa text, itatago mo nalang ang pera mo para sa pag-ulam nyo kinabukasan, pero ngayon...
mas mahal pa ang kendi kesa sa isang pirasong text mo, WOW! Sabagay in demand nga naman maraming mga taong umaakyat pa ng bubong makapagtext lang sa katabing bahay nila para sabihing.
"babes qoh,nand2 me sa bubong ng bhay,.jejeje.. ngpa2lamig lng.. ini2cp kzi kta misz nah misz na ktah..mua mua mua...labxhuuuuuuuuuuuuuuuuuuu!!!!"
"eiow daan lahn poh.GM"
"muwahugggzzz!!! w8 lanq puh ha, hugas lanq akuh ng platezz"
":). pAtamBay LAng xa inboX"
"------------>>>fhazxionizctaH.Gurl<<<----------------
spixz: elowww! k?ta p0 ty0 mayaH zsa EB!! mga nUbIZZ.. WEicuM p0!!!
.GM"
may sense naman di ba? sa pamamagitan ng text nararamdaman mong mahalaga ka, sa pamamagitan ng text nalalaman mo ang lahat kahit BF ng GF mo. Hindi pinapalampas ng mga sikat na networks ang kaadikan ng Pinoy sa text, kaya bumuo sila ng sari saring gimik, katulad ng "sa 20 pesos mo may 100 text kana sa lahat ng friends mo. may free text ka pa to other networks!" pero syempre kulang pa sa atin yon kaya naglevel-up sila ginawang "15 pesos unlimited texting in one day!" kaso ang problema kapag ang friends mo ay hindi katulad ng sim mo hindi na sya masasama sa tinatawag nating "GM"(group message) at "GT"(group texting) kaya... nabuo ang tinatawag nilang...
UNLIMITED CALL AND TEXT TO ALL NETWORKS!!!
San ka pa?dito kana! hindi lang kamay mo ang kakalyuhin pati tenga mo mamamawis...:)
Talaga nga namang hindi na mapipigilan ang mga Pinoy, ang texting ay kasama narin sa pang-araw araw nating kabuhayan....sa text na tayo nakabase, kahit hindi ka na nga kumain basta my pang "GM" kalang go!
syempre kapg my advantages meron din namang disadvantages. ang texting ay in demand sa mga kabataan na nasa high school, kaya marami sa mga kabataan ngayon ang laging late at tinutubuan narin ng sakit gaya nalang ng "INSOMIA" dati hindi ito uso.. pero nang magsimula ang text naging kabuntot narin nya ito.. mandyan na ang eyebag ay nagiging maleta na sa laki kasya kahit ang 5110 na cellphone.. hindi na rin makausap ng matino kasi nagtetext, hindi na mautusan kasi nagtetext, hindi na makagawa ng assignment kasi nagtetext.. hindi na makapagbihis kasi nagtetext..hindi na makakain kasi nagtetext.. naging bahagi na ng buhay natin ang text... Gaya ng kendi ng Maxx nakakagaan sa pakiramdam kapag natext mo na ang mahal mo.. pero sana gaya ng Maxx mabubusog kadin nito. :)
..

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)