Mga Pahina

Sabado, Oktubre 1, 2011

"Paper Doll"

Paper doll - manika na hugis tao, gawa sa medyo matigas na papel at madalas na pinapalitan ng damit na kinakawit lang sa balikat nito. Kapag luma na ito kusa nang napupugot ang ulo dahil lumalambot din naman ang medyo matigas na papel pero pwede mo rin namang idikit sa pamamagitan ng "iskash teyp". Kapag nabasa naman ng tubig pwede mo ng itapon dahil madali lang naman ito mabili sa halagang piso lang kung may pera ka at nagtatrabaho ka na sa isang Luxury hotel pero kung nasa preparatory ka palang at medyo kuripot ang parents ay siguradong mapapatay mo ang makasira sa Paper Doll mo.

Bata palang ako mahilig na ako sa paper doll, Lahat ng bagong palabas na Cartoons sa Telebisyon ay lumalabas din sa paper doll. Nandyan ang paborito kong si Sailor Moon at ang buong Gang niya, Buong cast ng Pokemon, Disney Princess at kung anu-ano pa. Talagang tinutukan ko ang pagkolekta ng paper doll nung bata palang ako, nakalagay pa ito sa kanya kanyang supot para hindi magkahalo-halo ang damit. Dahil sa totoong Avid Fan ako ng Paper Doll at talagang sinasanto ko sya,  nakaisip naman ang aking ina ng isang magandang teknik para maging masipag ako...

Sa tuwing umuuwi kasi si Mama galing palengke lagi nalang makalat ang bahay kaya naisipan nya na ipain lagi ang Paper Doll sakin, paano? ganito.. Dahil sa maliit palang ako noon at ang dulo ng kabinet ay hindi ko pa abot Doon naman nilalagay ni mama yung paper Doll na kailangan ko Tapos bigla nyang sasabihin "kailangan pag-uwi ko malinis ang bahay, kung hindi, hindi mo rin makukuha ang paper doll na nasa taas ng kabinet." wala akong choice nanakot na si Ina, kailangan gawin ang utos niya para makumpleto ko ang Favorite Sailormoon Characters ko, Lagi ko naman sya sinusunod kaya araw-araw may Paper Doll naman ako...

Ang sarap maging bata, kasi sa maliit na bagay natutuwa kana, sa konting bagay satisfied ka na at hindi ka na naghahanap pa ng mas higit pa, napakacentralized ng isip ng bata kung anu ang ginugusto niya at kung ano ang nakikita nya ayun ang sinusunod niya kaya nga kapag tinanong ko minsan ang bata ng:

"bata, maganda ba ako?"
at kapag sumagot siya ng
"hindi po."

hindi nga talaga marunong magsinungaling ang bata medyo Mapagbiro lang...:)


Ang sarap isipin na dumaan din pala tayo sa mga panahong kuntento na tayo sa isang laruang papel, nabubuhay din pala tayo sa isang araw kahit walang katext at kachat, pwede pala eh, kaso habang tumatagal natututo tayo syempre sino ba naman ang papayag na beinte Uno ka na tapos naglalaro ka pa ng Paper Doll sa Ofis dyahe naman diba, in short, kailangan din naman tayo makisabay sa daloy ng buhay para hindi naman tayo napag-iiwanan ng panahon at hindi naman tayo tawaging "isip-bata".

Hindi naman masama tumingin sa nakaraan, hindi mo rin naman makakalimutan yan kahit umpog mo ulo mo sa pader pabalik at balik pa rin sa ala-ala mo, Ang kailangan mo lang naman gawin ay kunin at tanggapin mo  kasi nangyari na at hindi na mababago pa pwede mo pa yan gamitin para mas lalo kang maging malakas, ang pag-amin sa nakaraan ay nakabubuti, masama nga lang kung uulitin mo rin lang ang pagkakamali ay! napatunayan mo lang na wala kang natutunan sa paglaro mo ng paper doll, try mo na lang yung jackstone. :)

...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

maraming salamat!:)-kiteh