Lumaki ako sa isang simpleng pamilya, hindi mayaman hindi rin naman masyadong sagad sa hirap kaya bata palang ako may alam na rin ako sa pagluluto pero dahil hindi naman ako ekspert madalas umaasa nalang ako sa "pacham" (comes from the word :patsambang luto which means mixing of ingredients without knowing where the food goes out) at dahil ako rin ang nangunguna sa aming mga kapatid ako lang ang tanging katulong ng aking ina sa pagluluto ng Pacham.
Natatandaan ko ang unang master piece ko ay yung pagluluto ng paboritong pagkain ng mga pinoy ang "KANIN" infairness ang hirap magtantsa ng tubig na sasakto lang sa bigas, minsan kasi kapag hindi tama ang tubig magiging basa kapag nakulangan naman sa tubig nagiging hindi ko na alam pero mas okey kainin yung kanin na mamasa masa kesa yung kulang s tubig kasi kapag mamasa masa sya pwede mo siyang gawing cake nahuhulma kasi kaya mas okey sya kainin.
Syempre kapag natutunan mong magluto ng kanin susunod na dyan ang pgluto ng ulam ang unang ulam na niluto ko ay siyempre isa rin sa pinakagusto kong kainin ito ay ang "ITLOG NA PRITO" Masarap to kahit sa agahan, tanghalian at hapunan. Kapag nagluluto ako dati ng itlog ay talagang parang lalasunin ko ang kakain nito, bata pa ako noon kaya paborito ko ang lasa ng betsin kaya kapag nagpiprito ako nilalagyan ko ito ng betsin at asin. Siguro mga isang buog betsin ang nauubos q s anim na itlog masarap naman siya kaso pati ata nutrients nalasing sa betsin na nailagay ko.
Sunod ay ang walang katapusang "ADOBO"or adorable body of chicken at dahil adobo kapital ang Pilipinas eh kaya natin ang pagluluto nito kung baga ekspert na tayo, kapag nagluluto ako ng adobo syempre hindi mawawala ang manok o baboy, mantika, kawali, bawang, sibuyas, apoy, paminta, toyo, suka, itlog na nilaga, saging na saba, patatas at ang matamis na matamis na asukal, oo asukal, kapag nagluluto kami ng adobo ay feeling namin tosino ito kaya kapag hinaluan namin ng asukal ay talagang nagiging minatamis na manok na siya at hindi na adobo ito ay nagiging "Tocino in Adobo Appearance".
Kung tutuusin madali lang magluto as long as alam mo ang niluluto mo pero kung ang niluluto mo ay Alienated o galing sa ibang lugar tapos hindi mo naman nagawa ng tama ay talagang uulanin ng pintas ang niluto mo. Ano't ano pa man sa lahat ng naranasan ko ay talagang natuto ako magluto lalo na sa itlog hindi ko na ito nilalagyan ng betsin talagang wala na ako nilalagay ni patak ng betsin (promise!) Kapag naman hindi mo ginawa ang mga bagay bagay hindi mo rin naman alam kung ano magiging kinalabasan nito, maging maganda man o hindi atleast natuto ka at syempre hindi mo narin gagawin ang mga mali at mas lalo kang gagaling sa ginagawa mo katulad nalang sa pagluluto. Kaya kapag nagluluto ka at oras na mngamoy ito isa lang ang ibig sabihin nun, luto na siya. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
maraming salamat!:)-kiteh