Noon ang saya saya kapag nagkaroon ka ng laruang tansan at mayaman kana kapag meron kang isang dangkal ng bagong tecks pero ngayon kapag wala kang cellphone na may kamera ibig sabihin hindi ka "in"..
Natatandaan ko pa na ang laki ng inggit ko sa isa kong kalaro dahil sya meron limang dangkal ng tecks samantalang ako lilimang piraso lang kaya ang ginawa ko nakipaglaban ako at lahat ng ng meron akong tecks ipnusta ko kasama na ang pato at dahil sa swerte ako nanalo ako ngunit sinubok ako ng kalaro ko bi-net nya ako sa ibang salita kapag siya ang nanalo mapupunta lahat sa kanya ang tecks ko pero kapag ako ang nanalo babayaran niya lahat ng hawak kong tecks kasama na doon ang pato ko. Kinabahan ako sa mga sandali na iyon wala na akong magawa gusto ko din dumami ang tecks ko bahala na, pagkabagsak ng tecks sa lupa nakatihaya ang pato ko at ang iba ay nakatalikod ibig sabihin panalo ako! at doon nagsimula na ang pagyaman ko sa tecks hanggang sa mamalato nalang ako dahil sa dami ng tecks ko.
Ngayon sa mga bagong imbentong gadgets hindi mo na mararanasan ang excitement na naranasan mo nung naglalaro ka pa ng tecks, hindi kana mapupuno ng putik sa katawan dahil sa kakagulong para lang makuha ang isang piraso ng papel, hindi kanarin pagpapawisan at mangingitim dahil sa init ng araw at higit hindi ka na tutuksuhing "negneg" dahil nga ang mga laruan ngayon o gadgets ay pwede namang gawin sa loob ng bahay katulad nalang ng sinasamba nating CELLPHONE, may katex kana may kalaro ka pa, saan ka pa?
Marami ng naglalabasan ngayong laruan na talagang nakakamangha, pangbungad lang nila ang cellphone pero ngayon ang uso na ang TABLET o I-POD na kung saan makokontrol mo na ito sa pamamagitan ng pagpindot lang sa screen nito kaya nga tinawag itong "touch screen" at itong kaylan lang pumanaw ang utak at puso ng kumpanyang "apple" na gumawa ng mga makabagong gadgets, nagdalamhati ang lahat parang katapusan na ng earth sa bagay malaking malaki ang iniambag niya sa ginagamit mong tatskrin ngayon. Sa mga gadget na ito talagang hindi kana lalabas para lang mglaro ng kung anu anong maliliit na bagay. Enjoy na enjoy ka habang yung taba mo bumabalot na sa puso mo, ang maipapayo ko lang exercise naman dyan..:)
Talagang hindi na mapipigilan ang pagbulusok ng mga gadget sa ating henerasyon at dahil dyan hindi narin natin ito maiiwasan kahit saan tayo magpunta lagi natin nakikita kahit nga siguro nakawin ng snatcher ang cellphone mo hindi ka manghihinayang kasi marami nang lumabas na mura ngayong cellphone at agad agad makakabili ka ng bago. Napapadali rin ng gadget ang mga gawain natin imbis na umakyat ka pa ng ilang bundok para lang sabihing "kakain na po ako" isang text lang mas mauuna pa sa iyo ang message mo. walastik.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
maraming salamat!:)-kiteh