"Live your life as it is your last."
Dati yan ang motto ko kaya naman nilubos ko ang pagiging bata, Batang walang pakialam basta gagawin ko ang gusto ko.
Year 2008, third year college na ako nung nagsimula ako nagtrabaho. Nagworking student ako sa isang sikat na food chain hulaan nyo basta hindi Jollibee..:)
Natuwa ako sa mga panahon na iyon kasi umaani na ako ng pera lahat ng gusto ko nabibili ko, pero kasabay ng pag-ani ko ng konting tagumpay ay nakalimutan ko na ang mga pangarap ko, ang mga mithiin ko kaya ako nagtrabaho.
Nagdaan ang mga araw hanggang sa naging buhay ko na ang pagtatrabaho, nakalimutan ko na ang pag-aaral. Madalas pumapasok ako ng Late pero never akong umabsent yun nga lang para lang akong nang-aasar ng Professor papasok ako kung kailan last five minutes na, o kung pumasok man ako ng maaga dun naman ako natutulog sa loob ng klasrum kaya madalas ako ang nagbabasa ng mga ginawang report ng mga klasmeyt ko. Nung mga panahon na yun walang laman ang isip ko ni wala na akong pakialam sa mga sasabihin ng iba basta ginagawa ko ang gusto ko palibhasa lahat ng kilos ko nung munting bata ako ay limitado kaya ng nabigyan ako ng pagkakataon nilubos ko naman ang lahat.
Nagpapalipat ako ng oras ng trabaho para lang makagimik, ang mga working student ay dapat pang-umaga lang pero dahil sa tigas ng ulo ko nagpapalipat ako ng gabi. Pagkatapos ng Duty diretso gimik na.. Masaya kapag marami kayo. Madalas 1:00am na kami nakakauwi at dahil Madaling araw na masarap kumain ng Goto, Masarap maglakad lakad, yung tipong pupunta kayo sa isang bahay na ilang milya ang layo tapos kapag nakita ay aalis din kayo agad, parang nageexercise lang 'yun nga lang madalas pinagkakamalan kaming mga adik. Lilibutin mo yung buong lugar tapos pipindot kayo ng doorbell sabay takbo (pero hindi ako kasali dun ah, nakikitingin lang.:)
Buong akala ko noon Gimik na ang buhay ko, pero nagkamali pala ako...
Isang araw sa paggising ko sa umaga, walang gimik, pero nandyan ang aking ina para ihanda ang tubig na maligamgam na pampaligo ko, Sa tanghali walang gimik pero nandyan ang pamilya ko para samahan ako sa pagkain ng tanghalian na alam kong matagal na naming hindi nagawa, Sa Hapon, wala paring gimik, Nandyan ang mga kapatid ko handang makipagbiruan sa akin, Sa kinagabihan ,wala na namang gimik pero nandyan si Papa para turuan ako sa mga bagay na hindi ko alam.
Marami pala akong hindi nagagawa, akala ko lubos na kaligayahan na ang nararanasan ko sa gimik, pero wala paring katumbas " ang ligaya na nabibigay ng pamilya. "
Muli, naalala ko kung bakit ako nagtatrabaho, yun ay dahil sa kanila...
Simula noon, inayos ko na ang lahat... Aral, bahay, at kung may duty man umuuwi na ako sa tamang oras.. Naging maayos ang lahat. Pogi na din ang mga grades ko na dati ay nakikipagtalo pa ako sa Professor kahit kasalanan ko naman ang pagbaba ng Grado ko.
Nabuhay ako dati na parang walang bukas pero ngayon binago ko na ang motto ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
maraming salamat!:)-kiteh