Mga Pahina

Huwebes, Oktubre 20, 2011

la kwenta

"You can get anything but not everything."

Minsan nakakainis ang mundo, ginawa mo na nga ang lahat kulang parin para sa kanila halos tinawag mo na lahat ng mga super sayan para lang magawa ng perpekto at maayos ang isang bagay wala pa ding dating?

Kaya nga siguro nabuo ang salitang "Nobody is perfect" kasi maraming insecure sa lahat ng ginagawa mo kasi kung hindi ka naman threaten para sa kanila hindi sila magbibigay ng komento na laban sa iyo minsan masaya din ako kasi kung mas maraming naiinggit ibig sabihin epektib ang kagandahan mo diba?

Pero minsan hindi na nakakatuwa dahil kahit anong sabihin mo na hindi ka naapektuhan sa mga sinasabi nila talagang maalala mo parin iyon lalo na sa gabi at nag-iisa ka. Masarap isipin na kapag marami ang nang-iinsulto sa iyo ibig sabihin mas maraming tumitingin sa ginagawa mo na sa totoo lang ay hindi naman talaga nakakatuwa kabadtrip kung baga.

Kitang-kita naman sa blog ko na puro galit lang ang nabasa niyo wala ng bait na natitira sa akin mababaliw na ata ako sa kakaisip kung paano ko sasabihin sa kanila na "tama na!!ok?" pero ang hirap din magsalita kung iyong mismong mga taong nagsalita sa iyo ay hindi aaminin lahat ng kawalanghiyaan na sinasabi nila.

Galit. Emosyon na talagang nakakatakot dahil maari maging bunga ito ng karahasan minsan natatago din ito pero oras na mapuno ang taong nagdadala ng galit ay talagang sumasabog ito lalo na kapag nagkaroon ito ng lakas ng loob, bidang bida dito ang mga lasing kasi pagkatapos nila laklakin ang buong ilog pasig ay talagang nakikipag-away sila, ang mga taong chismosa naman nagtataka kung bakit bigla na lamang nanapak ang isa o mas malala ay nakakapatay pa.

Kung maari pigilan ang galit dahil wala itong naibubungang maganda bukod sa pangit ay talagang nakakapangit. Kung ako ay tatanungin mas maganda ng matulog ng walang galit sa puso pero anu magagawa mo high blood ka pangit ka pa di ba?haha. ayan natatawa na ako hindi na ako galit pero sana magka amnesia ako mamaya para makalimutan ang lahat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

maraming salamat!:)-kiteh