"Kapag nakapanaginip ka na natanggal ang ngipin mo ang ibig sabihin nun ay mamalasin ka."
Buhay na buhay sa kultura ng mga pilipino ang salitang "PAMAHIIN" kaya tuloy matatakot ka sa bawat gagawin mo katulad nalang ng "HUWAG KANG KAKANTA KAPAG KUMAKAIN KUNG HINDI MAGKAKAROON KA NG ASAWA NA MAS MATANDA SA IYO", kapag singer ka hirap kang mag-adjust sa pamahiin na ito kasi alam naman natin na ang isang singer ay makaalala lang iyan na kanta ay siguradong kakanta at kakanta iyan sabagay kung kakain ka kailangan mo bang kumanta habang kumakain? limang minuto lang naman ang ginugugol natin sa pagkain hindi pa ba natin susulitin?
Isa pa sa mga pamahiin natin ay ang "HUWAG KANG KUMANTA HABANG NAGLULUTO KUNDI MAKAKAPAG-ASAWA KA NG MATANDANG LALAKI/BABAE" bakit ang dami nating pamahiin na kasama ang salitang "kanta" at "matanda" siguro mga sikat na singer ang ating mga ninuno at siguro matatanda rin ang kanilang napngasawa kaya sila ang nagkalat ng sumpa? sabagay katulad nalang kapag kumakain ka hindi mo naman kailangang kumanta habang nagluluto kasi naman mas maraming beses na nakatengga lang tayo kesa sa nagluluto di ba?
Pangatlong pamahiin na talagang sikat sa atin ay ang "BAWAL MAGWALIS KAPAG GABI KUNDI MAMALASIN KA", sabagay oras na ng pahinga kapag gabi tapos magwawalis ka pa di ba, anu yun overtime? kung tutuusin hindi naman talaga maganda magwalis ng gabi kasi baka malay mo mawalis mo ang mga maliliit bagay na importante sa iyo katulad nalang ng alahas. Meron din namang mga tao na sobrang malinis yung tipong madikitan lang ng alikabok ay nagiging dragon na at sasabihin "yakkkk!" grabeh diba.
Sa lahat ng pamahiin ito ang siguradong subok ko na "UMIYAK KA SA GABI UPANG IKAW AY MASAYA KINABUKASAN" naniniwala ako dito na kung ilalabas mo lahat ng galit mo at paghihinagpis sa gabi kinabukasan ay magiging bangag ka o lutang as in wala kang iniisip at wala ka ng iniintindi kasi nailabas mo na nga ang lahat ng sakit sa puso mo.
Sabi nila kapag gabi "KUNIN ANG LAHAT NG DAMIT SA LABAS PARA HINDI ISUMPA NG MGA LAMANG LUPA." sa tingin ko sinabi ito sa mga batang tamad kumuha ng sinampay kapag gabi at saka wala kasing magawa ang mga magulang kaya nalang nalang ang mga bata (kuro-kuro ko lang iyon ha). Sa kabilang banda naniniwala pa din naman ako na ang mundo ay puno ng misteryo.
Minsan nasabihan nadin ako na "BAWAL MAGSUYOD AT MAGSUKLAY SA GABI.". Kapag gabi doon kasi naglalabasan ang mga pogi at magaganda kaya maraming kabataan ang nag-aayos pagdating ng gabi. Isang pagkakataon narin ito para sa mga walang lovelife kasi kapag gabi face is doesn't matter only the smell...:)
Napansin ko lang lahat ng mga pamahiin ay umiikot lang pag sumapit na ang gabi bakit kaya? dahil ba nakagisnan na natin na kapag gabi ay nabubuhay ang mga kaluluwa mula sa kabilang mundo at nagsisimula ng manumpa ang lahat ng engkanto? Kapag sumapit na kasi ang gabi ang nakikita ng tao ay limitado nalang kung wala pa sigurong naimbentong ilaw si Thomas Edison baka sa lahat ng pagkakataon may hawak tayong sulo at posporo para lamang makakita sa gabi. Huwag naman daw matakot sa gabi kasi daw pagkawala lamang iyon ng liwanag at wala tayong dapat ipangamba dahil babalik at babalik din iyon sabi ni pareng Einstein. Kung tutuusin tama siya gabi lamang iyon at ganoon padin naman ang paligid kaso hindi natin kontrol ang utak ng tao na katulad din ng sa hayop hindi natin kontrol.
Anu't-ano pa hindi talaga maganda pakinggan ang mga pamahiin dahil ilan sa mga ito ay kinakahon lang tayo hindi na tayo nakakausad dahil may takot tayo, hindi ko naman sinabi na dapat hindi tayo marunong matakot at laban lang tayo ng laban dapat pag-aralan din natin kung ano ang tama at kung ano ang hula-hula.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
maraming salamat!:)-kiteh