September 25, 2009. akala ng lahat simpleng bagyo lang katulad ng mga bagyong nagdaan. ngunit hindi pala..
September 26, 2009, Inumaga na hindi parin tumigil ang ulan.. nagtetext pa 'ko habang ang lahat abalang abala sa pagsako ng kanilang mga gamit dahil nandyan na nga ang baha. Mabilis ang pagbulusok ng tubig. Una ng nilikas ang dalawa kong nakababatang kapatid, Ako nama'y naiwan sa bahay kasama ang aking mga magulang at ang may sakit kong kapatid maya-maya pumasok na rin sa loob ng bahay ang tubig, tubig galing sa poso negro ng aming Kubeta. Napakabilis ng tubig tila naghahanap ng mga taong matatangay nya.
Ilang saglit pa at nagdesisyon na kaming lumikas dala ang isang kaldero na may lamang tira-tirang kanin at ang aking Ama nama'y naiwan sa bahay. karga-karga ng aking Ina ang kapatid kong nanginginig na sa lamig. Sa aming paglabas, Nagulat ako sa nakita ko nagmistulang lawa ang aming Baranggay. Hirap na hirap ang aking ina sa pagkarga sa aking kpatid buti nalang my mga kapitbahay kami na nagmistulang "Rescue Team",maraming salamat at kinarga nila ang aking kapatid. Muli naglakad kami sa daan na abot bewang na ang tubig at kahit nakapaa hindi namin alintana ang mga piraso ng yero, basag na mga bagay at mga patay na hayop.
Malapit na kami sa Highway nang sinubok kami muli. Nahihirapan na kami dumaan dahil sa mabilis na pagbulusok ng tubig. Nahiwalay kami ni mama sa Rescue Team, hindi na kami makadaan sa mistulang Dagat na Highway, Buti nalang my mga taong lumapit sa amin at hinila kami. Tumuloy na kami sa Third floor ng isang commercial building na kung saan nandun din ang dalawa kong kapatid. Dahil sa ang isa kong kapatid ay nanginginig na sa lamig diniretso nila kami sa isang mainit na kwarto kasama ng mga MAYAYAMAN.. Inilagay nila kami malapit sa pintuan ng Comfort Room at sa mga oras na yun ay wala paring tubig at kuryente.
Panay ang labas pasok ng mga bata sa CR, kada bukas ng pinto mahahalimuyak mo ang Baho ng kanilang laman tiyan, awang awa ako sa amin. Ang iba ay nakahiga sa malambot na kama salo-salo sa pagkain na binigay lang din sa kanila Samantalng kami ni isang kurot ng Nilagang Itlog na kanilang kinakain hindi kami binigyan. Nanginginig na sa lamig ang aking Ina ganun din ang aking kapatid. Para kaming hayop na pinabayaan sa gilid. Buti nalang may nagbigay sa amin ng sabaw at yun ang isinama namin sa Tutong na dala ng aking Mama.
Ilang Saglit lumabas ako, kitang kita ko ang Maladagat na tanawin, mga taong stranded at mga tao sa bubong na kapag nahulog ay siguradong tatangayin ng malakas na agos ng tubig. Nagaalala ako sa aking ama, wala akong pakialam sa malakas na buhos ng ulan basta makita ko lang sya na ligtas. Ilang Saglit nakita ko nga siya nakatungtong sa bubong ng isa sa mga bahay. Tuwang tuwa ako dahil sa wakas kitang kita ko na buo parin kami.
Kinagabihan, Umalis na din kami sa third Floor Building na aming natuluyan. Inabot pala ng baha ang sala namin halata dahil sa putik na nasa sahig at dingding. Nung gabing yon doon ko lang naisip na napakabuti parin ng Diyos dahil hindi nya kami pinabayaan at hinding hindi nya kami iniwan.
grabe talaga si Ondoy
TumugonBurahin