Mga Pahina

Lunes, Oktubre 24, 2011

expect the unexpected

Bihira lang ang magagandang tao sa mundo bihira rin ang macho kaya halos hindi magkamayaw ang lahat kapag nakakakita ng mga ito. Kahit sino pinangarap na maging angat sa iba pero ako? hindi. kuntento na ako na hindi ako sobrang pangit sa harap ng maraming tao yung tipong simple lang pero masarap.. tignan..:)

Merong iba talagang gagastos ng mamahaling gamot para lamang pumuti ang iba hindi na kinakaya ng iniinom nilang gamot ang melanin na pumupuksa ng kanilang fair skin kaya ang ginagawa ay pinapaturok na mismo sa katawan nila ang gamot. Lumaki akong hindi maputi at hindi mo rin masasabing negra kasi kapag pumunta ako sa dilim makikita mo pa naman ako lalo na lapag nakangiti, hinangad ko rin maging maputi kasi in demand sa Pilipinas eh pati nga nose lift pinagtripan ko rin kaso iniisip ko may dahilan ang lahat kung bakit ginawa ng Dios na ganito ako kaya nakuntento ako sa pagiging morena at pango.

Ang sakit isipin na ang ibang tao ay yumayaman na dahil sa kanilang hitsura katulad nalang ng mga artista kahit walang talent basta may dating pwede na, sa bagay natuturuan naman ang tao pero iba pa rin naman ang may talent na (ehem) pero simpleng tao lang diba? Meron din namang pinagkakakitaan kung ano ang pangit sa kanila, Ang mga komidyante ginagamit nila ang kanilang kahinaan para makapagpatawa ng mga tao, ang kanilang mukha ang nagsisilbing panlaban nila sa masasamang elemento at mga taong nanunukso sa kanila, nakakabilib talaga sila kaya saludo ako..:)


Ano kaya kung bago ipanganak ang tao mamimili muna sila kung ano ang pagmumukha nila for example nasa tyan ka ng nanay mo tapos tinanong nito "anak ano gusto mo maging mukha mo? mamili ka kamukha ni Brad Pitt o ni Babalu? syempre pipili kaba naman ng pangit na alam mo namang ikasusumpa mo iyon balang araw? Sa tingin ko naman walang kaso iyon parehas naman sikat si Brad Pitt at Babalu at kumita ng malaking halaga sa panahon nila kaya kung sino man maging kamukha mo sa dalawa swerte ka parin kasi my mukha ka.


May mga taong humihiling na sana hindi sila ugatin o kaya sana maputi ang paa nila kaya minsan hindi sila magkamayaw kapag nakakakita ng sale na foot spa. Samantalang ang iba walang paa pero kuntento na sa kinakain nila sa araw-araw. May naikwento ang kaibigan ko, my umakyat daw sa jip na sinakyan niya at nagkwento na nakasaad sa bible akala ng kaibigan ko magbibigay ito ng sobre pero nagkamali siya, may mga pilit na nagbibigay ng pera dun sa nagkwento pero hindi niya tinanggap nakakapagtaka diba? bihira nalang ang ganoon baka iyon na yung taong hinihintay natin hindi lang natin pinansin masyado.


Maraming mga bagay sa mundo na talagang kakaiba, Hindi mo alam kung ano ang tatagal o lilipas din agad, May mga bagay na nasa iyo na pero parang inaayawan mo pa dahil gusto mong makahigit sa kanila, meron namang iba na kuntento na basta sama-sama sila sa bawat araw na ginawa ng Diyos at meron namang iba na gagawin ang lahat makapaglingkod lang sakanya. Kakaiba ang mundo hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa iyo bukas hindi mo alam kung tataas ka o ibaba ka ba, basta Expect the Unexpected.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

maraming salamat!:)-kiteh