Mga Pahina

Lunes, Oktubre 10, 2011

mayaman o mahirap?

Kung ikaw ay papapiliin anu gusto mo maging train station o ikaw mismo ang maging tren?

Maraming tao na mas gusto nila na maging madali ang lahat syempre sino ba naman ang gustong mahirapan? pero kung sino naman ang nahihirapan yun naman ang yumayaman kaya nga siguro hindi yumayaman ang mundo dahil mas marami paring nakukuntento nalang kung anong meron sila at hindi na sumusubok pa na paglaruan ang kanilang kapalaran.

Gusto mo ba mag franchise ng isang food chain o guumawa mismo sa sarili mong paraan?

Matalino ang tao kung tutuusin kapag pinagsama-sama natin ang utak natin baka alam na natin ang dulo ng universe kaso mas maraming tao ang nakukuntento nalamang sa pagtitinda ng sopdrinks na ginawa nadin ng ninuno nila kesa magimbento ng inumin na hindi kana mauuhaw sa loob ng isang linggo. Sa bagay kahit gaano ka katalinong tao kung wala ka namang pera, ibebenta at ibebenta mo pa rin ang imbensyon mo kahit nakataya na dito ang pangalan mo.

May mga ilan na sumubok sa kanilang kapalaran at nagwagi katulad nalang ni Steve Jobs, na nagsabing "Do you want to spend the rest of your life selling sugared water or do you want a chance to change the world?" tama nga naman siya kaya nga siya yumaman dahil malakas ang loob niya at makapal din ang mukha niya, oo makapal ang mukha niya, mahirap din kasi maraming mahiyaing tao kaya pati kapalaran nahihiya din sa kanila.

Kung may mga taong hinahangad maging mayaman may mga tao din namang hinahangad maging simpleng tao, yung tipong maglalakad ka sa kalsada tapos walang magiinterview sa iyo ni walang lalapit sa iyo para kidnapin ka malayang malaya ka pumunta kahit saan kahit pa mangulangot ka sa dyip tapos ipahid mo sa upuan, okey na okey lang kasi simple kalang at walang interes sa iyo ang mga tao at higit sa lahat ang pinakabenepisyo nang pagiging simple ay alam na alam mo kung sino ang mga tunay na kaibigan mo. Masarap nga naman maging simple pero mas okey pa din yung gigising ka sa umaga na wala kang iintindihing panggatas sa anak mo o pambayad sa mapuputol nang kuryente parang hawak mo na ang daigdig kapag marami ka ng pera.

Kung ano ang gusto mo yun ang masusunod kung gusto mo maging simple o mayamang tao ikaw pa rin ang magdedesisyon nyan, Ano naman ang magagawa ng kapalaran kung ikaw mismo hindi ka gagawa ng paraan para sa ikabubuti mo kaya kung ninais mong maging mayamang tao wag na wag mo akong kalimutan. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

maraming salamat!:)-kiteh